Shared Flashcard Set

Details

SUBUKAN NATIN
Short quiz
5
Social Studies
9th Grade
06/29/2021

Additional Social Studies Flashcards

 


 

Cards

Term

1. Sa isang pamilihan, abala ang iba’t ibang tindahan sa pagbebenta ng kanilang mga produkto. Sa isang tindahan ng isda, mapapansin ang may-ari na si Mang Rudy na binebenta ang bangus sa mahal na halaga. Dahil sa kamahalan ng kanyang tinda, kakaunti lamang ang mga taong nais bumili sa kanya. Mula sa halimbawang ito, paano nito naipaliliwanag ang angkop na Batas ng Demand sa pamilihan?

a. Kapag mataas ang presyo ng produkto, bababa ang demand.

b. Kapag mataas ang presyo ng produkto, tataas ang demand nito.

c. Kapag mababa ang presyo ng produkto, bababa din ang demand nito.

 

d. Kapag mababa ang presyo ng produkto, bababa ng doble ang demand. 

 

Definition
Term

2. Magkakaiba ng paraan ang bawat prodyuser kung paano sila kikita ng malaki. Isa sa mga sumisikat na produkto ngayon ay ang Milk Tea. Kahit mataas ang presyo nito, marami parin ang nais bumiling mga konsyumer. Dahil dito, ang bawat Milk Tea Shops ay dinadamihan ang suplay ng kanilang produkto upang mas marami silang kitain. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid nito na may koneksyon sa Batas ng Suplay?

a. Sa pagtaas ng presyo, bababa ang suplay.

b. Sa pagtaas ng presyo, tataas din ang suplay.

c. Sa pagbaba ng presyo, tataas naman ang suplay.

d. Sa pagbaba ng presyo, tataas ng doble ang suplay.

Definition
Term

 [image]

 

Gabay (Legend):

D- demand

S- suplay

P- presyo

3.    Suriin ang dayagram sa kahon. Ano ang pinakawastong nais ipahiwatig nito tungkol sa batas ng demand at suplay?

a.    Tataas ang presyo kapag mababa ang suplay.

b.    Tataas ang presyo kapag mataas din ang demand.

c.    Tataas ang presyo kapag hindi pantay ang demand at suplay.

d.    Tataas ang presyo, kapag mas mataas ang demand kaysa sa suplay.

Definition
Term

4. Simula ng pumasok ang pandemya sa bansa, mas tumaas ang presyo ng mga bilihin kung kaya’t maraming mamimili ang nahihirapan sa pag-budget ng kanilang gastusin. Ilan din sa lumalaganap na suliranin ay ang pagdoble ng taas ng presyo ng ilang prodyuser ng kanilang produkto kung saan mas mataas sa nakatakdang presyo dapat nito. Ito ay dahil sa mas naging konti ang konsyumer at marami ang nawalan ng trabaho.

 

Sa iyong palagay, tama ba na doblehin ng prodyuser ang presyo ng kanilang produkto?

a.    Tama, upang makabawi sila dahil kakaunti ang mamimili.

b.    Tama, dahil ito ang solusyon upang kumita parin sila sa gitna ng pandemya.

c.    Mali, dahil sinusunod dapat ang nakatakdang presyo ng produkto at upang makamit ang ekwilibriyo sa pamilihan.

d.    Mali, dahil ito ay isang uri ng pananamantala sa karapatan ng mga mamimili bilang konsyumer ng mga produkto sa pamilihan.

Definition
Term

5. Si Mang Juan ay nagtitinda ng isda sa pamilihan. Binebenta nya ang tilapya sa halagang Php 120 kada kilo kung saan may apat na pirasong isda ito. May isang mamimili na bumili sa kanya ng 2 kilo at may sapat na bilang na walong isda na nagkakahalaga dapat ng Php 240 ngunit nais ng mamimili na tawaran ito ng Php 200. Ayaw pumayag ni Mang Juan dito.

 

Para sa iyo, ano ang wastong koneksyon ng talatang ito sa kung paano makakamit ang ekwilibriyo ng suplay at demand?

a.    Mapapansin dito na hindi nakamit ang ekwilibriyo dahil hindi pumayag si Mang Juan sa nais ng mamimili.

b.    Mapapansin dito na hindi nakamit ang ekwilibriyo dahil tinawaran ng mamimili ang isdang kanyang nais bilihin.

c.    Mapapansin dito na hindi nakamit ang ekwilibriyo dahil hindi nagkasundo ang nagtitinda at ang mamimili sa presyo ng produkto.

d.    Mapapansin dito na hindi nakamit ang ekwilibriyo dahil sapat ang bilang ng isda na mabibili kay Mang Juan ngunit ayaw nya parin ibigay sa mamimili.

Definition
Supporting users have an ad free experience!