Shared Flashcard Set

Details

Filipino
Filipino quiz
8
Language - Other
11th Grade
08/28/2024

Additional Language - Other Flashcards

 


 

Cards

Term
Henry Gleason
Definition
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.
Term
Edward Sapir
Definition
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Ibig sabihin, ang wika ay tao lamang ang makagagawa; at sa paraang hindi katutubo o likas sa tao’y naipapahayag ang kanyang isip, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang simbolo.
Term
Todd
Definition
Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ito’y hindi lamang binibigkas kundi sinusulat din
Term
Archibald Hill
Definition
Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Term
Caroll
Definition

Wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. 

Term
Lachica
Definition
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaaring pasalita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay
Term
Bram
Definition
Ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.
Term
Paz, Hernandez at Penyera
Definition
ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo n gating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit . Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao at maging sa pakikipag-usap sa sarili.
Supporting users have an ad free experience!